Friday, November 25, 2005

Ang Isda, bow.

Marami talagang mahilig ipagsiksikan ang kanilang malaking katawan sa buhay ng ibang mga taong matiwasay na namumuhay. Mahirap talaga tayong matuto kung wala tayong pagkakatuto. Mahirap talagang tanggapin ang katotohanang mahirap kang tanggapin ng ibang tao kaya ang solusyon, ipagsiksikan ang sarili.
Nahuhuli nga raw ang isda sa bibig. Sumasang-ayon ako dito lalo na kung nag-bebaby talk ang isda, kapag nahuli mo na, pugutan na agad at dukutin ang mata. Huwag nang tirhan ng buhay ang isdang nag-bebaby talk. Buksan ang tiyan, dukutin ang mga lamang loob at isubo sa mismong bunganga nito hanggang maglawa sa sarili niyang dugo ang kanyang nag-bebaby talk na bunganga.
Napakasikip na ng mundo para sa pito. Pinaghiwalay na nga namin ang grupo sa dalawa para magkaayos ang aming mga kuro-kuro tapos sisiksik ka pa. May balyena na nga kaming inampon tapos gusto mo sasama ka pa. Kung mawala na nga lang kaya kayo? Ano kaya? Isama mo pati balyena mo. Magsama kayong maglawa sa sarili niyong dugo.
Ang kapal ng mukha mo. Pati mga bagong nimpa ay pinagsisnungalingan mo. Ang kapal ng mukha mo, kasing kapal ng balat ng balyenang karay-karay mo. Ang kapal. Huwag mong isiksik ang sarili mo, lalo lang sumisikip ang mundo dahil sa kakapalan ng mukha mo.
Ang kapal mo. Patayin. Patayin ang nag-bebaby na isda.

Tuesday, October 25, 2005

Saang diksyunaryo?

Saan nga bang diksyunaryo natin makikita ang kahulugan ng salitang "pagmamahal?" Malamang sa lahat, di ba? Kahit nga sa english dictionary mayroong "love," sa italian may "amore," sa español may "amor." Kung tutuusin, madali lang naman hanapin ang kahulugan ng salitang ito eh. Ang mahirap maarok ay ang kahulugan ng "magmahal."
Ano ng ba ang "magmahal?" Ewan ko. Kanya-kanya naman kasi iyan eh. Kahit anong dami pa ng mga relasyon na napasukan na ng isang tao, hinding-hindi pa rin siya magiging guru pagdating sa pagmamahal. Iba-iba naman kasi iyan eh. Ngayon ko lang naintindihan.
Dati, kapag may problema ang mga kaibigan ko, to the rescue lagi ako. Handang makinig at magbigay ng payo over a bottle or two of beer and a pack or two of our favorite yosi. Ang feeling ko dati alam ko nang lahat iyan--nakaka dies y siete na yata akong relasyon, naramdaman ko nang lahat ang maari mo pang maramdaman! Trast mi! Kwento ang loka. Ako naman kinig. Kinig, hit hit, kinig, tungga, kinig, tak tak, kinig. Tapos, magpapayo na ang tiya Deli ng mesa.
Pero noong ako naman ang nagkaproblema, naturalmente, naghanap din ako ng sarili kong tiya Deli. Pero, kakaiba!? Hindi ko siya naiintindihan. Parang same pole repel nga yata ang pumapel sa sitwasyong ito. Nauwi lang sa taasan ng boses ang aming pag-uusap. Pano ba naman, tanungin ba naman ako kung talaga raw bang mahal ko ang taong ito? Di natural, oo ang isinagot ko. Itinanong naman ang tagal ng aming pagsasama. Sinabi kong four months. Aba, pinagtawanan ako at sabay sabing ang talino ko raw para naman mahulog sa patibong na iyon?! Ano iyon? Bakit kinukwestyon ang nararamdaman ko? Intestine ko ba sya? Bakit parang alam niya ang nasa loob ko?
Sabay kuha ako ng bag, pindot ng remote ng powerlocks ng kotse ko, bukas pinto, taklab, on ng makina, atras, harurot. Napikon talaga ako. Ewan ko. Di ba kapag umiinit ang tenga ko, either napipikon ako o nalilibog ako. Bakit ako malilibog? Pikon ako noon. Sigurado.
Habang tumutugtog ang paborito kong kantang "Pinoy Ako," nag-isip-isip ako. Nasusukat nga ba sa tagal ang pagmamahal? Nasusukat nga ba sa dami ng oras at sa tagal ng pagsasama ang pagmamahal? Parang hindi eh. Parang hindi talaga ako maka-agree sa sinasabing ganun. Kasi, parang nararamdaman ko na iyong pagmamahal na lecheng iyan kahit na apat na buwan pa lang kami. May mali ba sa akin? Parang gusto nilang palabasing mali pero papaano magiging mali ang isang bagay na pagkasarap-sarap?
Sabagay, iba ang mga karanasan nila sa karanasan ko. Bakit, sila ba ang nakikisama sa kinakasama ko ngayon? Bakit, sila ba ang nagmamaraton ng "i love you po" sa text? Bakit, sila ba ang naliligayan sa bawat korning joke na ikinukwento niya? Bakit, sila ba ang kinikilig sa bawat bag ng yema na ipinapadala niya? Bakit, sila ba ang nagaalala kapag naaksidente siya sa motor? Wala. Hindi sila. Wala silang alam. Wala silang alam kaya wala silang karapatang husgahan ako o ang relasyong mayroon kami. Wala.
Wala.

Sunday, September 18, 2005

If Only I Can (Translation of Si Pudiera)

This is the first time that I am writing in Spanish. I'll tell you that my Spanish is not as good as my Italian but I believe that it is advance enough to allow me to write even a short composition that come from the heart.
My entry is entitled If Only I Can because it is about the things that I can't do in reality. These things are only desires and things that can only happen in my imagination and in my dreams.

If I can freeze time, I will do it so that I can have another chance to talk to you. I like to tell you that until now I love you and you still are the object of my each and every dream. If I can stop the clock from moving, I'll will be in the middle of thour days so that I can choose which moments will happen again. I will choose the days when we enjoyed ourselves so much, wraped by the tightest of our embrace and drowned by our kisses of fire. If only I can stop the days from moving, I could have stopped in the day when we were under the star-filled sky while talking about our future together--our life, the number of children we are going to have, the size of the house where we will live in, the love we are going to make every night--that cannot happen ever.
If you still have the time, will you let me tell you that I love you still? Will you even listen to me so that you will come to understand everything I have been dying to tell you? If you can stay for a while, I'll take your left arm, make you look at me in the eye so that you can decipher from the bottom of my heart all of my mute words, my frozen actions and all my desparate dreams. If you still have the time, I will embrace you so that you can feel again the warmth of my love --my eternal love only for you.
If I can talk to you for the last time, I will rather not talk anymore. I will use that last chance given to me by God to memorize your face,--your appearance--your scent,--your fragrance--and the warmth of your breath so that every night that I will miss you, I can imagine that you are alive, that you are real and at least even just in my imagination, I can be with you and we can continue all our lost moments together .
If I die tonight, I will have no regrets if it will be in your arms. I would know that it is my destiny if I die and all I hear are you sweet words and your intimate whispers. If I die and your face is the last thing that I see, I will die happy and I will wait for you in our paradise even if it takes forever.

Tuesday, September 13, 2005

Si Pudiera

Esta es la primera vez que escribo en español. Os digo que mi español no es tan bueno y tan profundo como mi italiano, pero mi español es bastante avanzado asi' yo puedo escribir aunque una composicion corta que viene directamente desde fondo de mi corazon.
Mi composicion es nominada Si Pudiera porque se trata de las cosas que no puedo hacer en actualidad. Estas cosas son solamente mis deseos y se pueden solo realizan en mi imaginacion y en mi sueños.
Si pudiera congelar el tiempo, lo haria para que yo pudiera hablar contigo por la ultima vez. Deseo dicirte que hasta hora te amo y que hasta ora eres el objeto de cada mi sueño. Si pudiera parar el reloj, seria en medio de los dias para que yo pudiera escoger los tiempos que queria pasar otra vez. Por supesto, escogeria todos los dias en que nos divertimos, en medio de nuestros brazos y ahogados por los nuestros besos de fuego. Si pudiera parar los dias, pararia el dia en que estabamos debajo del cielo lleno de las estrellas luminosas hablando de nuestros planes para el futuro--nuestra vida juntos, el numero de los hijos que tendriamos, la grandeza de la casa en que estariamos, el amor que hariamos cada noche--que no podria pasar mas.
Si te quedara tiempo, me dejarias hablar y decirte cuanto te amo hasta hora? Me escucharias aunque un rato de tu tiempo para que tu pudieras comprender todos los que te queria explicar? Se te quedara tiempo, tendria tu brazo izquierda, te haria mirar mis ojos para que vieras desde mi corazon todas mis palabras silenciosas, todas mis acciones incapacitadas y todas mis sueños desperados. Se te quedara tiempo, te abrazaria para que tu pudieras sentir de nuevo el calor de mi amor--de mi amor eterno para ti.
Si yo pudiera hablar contigo por la ultima vez, no hablaria mas. Usaria ese ultimo tiempo que el Dio me hubiera dado para grabar tu cara,--tu aparencia--tu olor,--tu fragrancia--y el calor de tu respiracion--de tu aliento--para que cada noche que me faltaria tu presencia, pudiera extraer de mi memoria todos los elementos tuyos y con la ayuda de mi imaginacion, te haria vivo, te haria real y aunque solo en mi imaginacion, yo pudiera ser contigo para continuar todos los nuestros momentos perdidos.
Si muriera esta noche, no me arrepentiria de nada si muriera abrazado por tus brazos. Sabria que mi muerte era destinada por el Dio si muriera sentiendo tus palabras dolces y tus sussuros intimos. Si muriera y tu cara fuera la ultima cosa que vedria, moriria contento y te esperaria en el paraiso nuestro aunque durara siempre.

Monday, August 22, 2005


Cutie...As in! Posted by Picasa

Monday, June 27, 2005

Mga aral 'pag nagmamahal

Kapag tinawag ka ng pag-ibig, sagutin mo. Sundan mo. Huwag mong hayaang takutin ka ng tahaking matarik at masukal, sundan mo saan man patungo ang pag-ibig dahil ikaw, ikaw ang napili niyang tawagin.
Kapag niyakap ka niya sa kanyang pakpak, magpayakag ka. Ngunit huwag kang magulat sa bigla mong pagdurugo dahil natatago sa kanyang mga balahibo ang isang balaraw na maaring sumugat sa iyo.
At kapag kinausap ka niya, makinig ka. Tingnan mo nang mata sa mata. Tingnan mo at nang maunawaan mo ang kanyang mga sinasabi. Ngunit huwag magtaka kung maaring wasakin ng kanyang boses, kahit ang mumunting bulong, ang iyong mga pangarap at adhikain tulad ng isang hangin sa isang harding mayumi.
Kung paanong ipinagbubunyi ka ng pag-ibig, ganoon ka rin niya isasadlak. Kung paanong kinoranahan ka niya, ganoon ka rin niya ipapako sa krus ng sakit at ng kahihiyan. Kung paano ka niya hinayaang mamukadkad mula sa bubot hanggang sa isang mayuming bulaklak, ganoon ka rin niya papatayin at bubulukin hanggang mahulog ka sa lusak ng walang hanggang kabuktutan.
Kung paano niya aakyatin ang pinakatuktok at siyang hihimasin ang mga sanga ng punong nakaharap sa araw, ganoon din siya bubulusok sa mga ugat upang alugin at yugyugin ang parehong puno.
Parang mga butil ng palay, ginagayak ka niya malapit sa kanya.
Babalatan hanggang sa ika'y mahubaran.
Tinatanggal ang iyong ipa upang ika'y palayain.
At pagkatapos noon, ihahanda ka niya sa isang banal na apoy upang ika'y maging pag-kain sa banal na piging mga Maykapal. Lahat ito, gagawin sa iyo ng pag-ibig upang maarok mo ang mga lihim sa kaibuturan ng iyong puso upang sa ganoon ay maging bahagi ka rin ng Puso ng Buhay. Ngunit kung sa takot mo, talikuran mo ang mga sakit at pahirap na dulot ng pag-ibig, ngayon pa la'y iwaksi mo na ang iyong kalinisan at kahubuan at lumisan ka na sa piging ng pag-ibig, tungo sa isang mundo kung saan ika'y tatawa ngunit hindi sa buong kaligayahan at luluha ngunit hindi sa buong kasawian.
Walang ibang ibinibigay ang pag-ibig kundi ang kanyang buong sarili, at walang pinaghahanguan kundi ang kanyang sarili. Hindi ito nang-aakin o maaring angkinin. Sapat na ang pagmamahal sa pagmamahal.
Hindi mo ito maaring isulong at iurong, dahil kung talagang ika'y nararapat, ang pag-ibig ang siyang mag-aakay sa iyo.
Walang ibang hangarin ang pag-ibig kundi ang punuan ang kanyang sarili.
Ngunit kung sa ibang pagkakatao'y may iba pang hangarin ang pag-ibig, marapating mapabilang ang mga ito: na sana'y malaman ng tao ang tunay na sakit ng labis na pagpapahalaga, na sana'y masugatan ang isa dulot ng sarili niyang pakahulugan sa pag-ibig at sana'y magdugo siya ng buong-puso at nang may ngiti sa labi, na sana'y sa muling paggising sa isang bagong umaga ay may lakas pa upang magpasalamat sa isa nanamang pagkakataon upang magmahal at sa muling pagtulog, sana'y baon ang isang munting panalangin para sa sinisinta.
(Jerome Sanchez)

Thursday, June 23, 2005

Sa pag-agos ng tubig, siya rin ng luha

Tumigil bigla ang kotse ko sa gitna ng malaks na buhos ng ulan sa labas. Peste. Nagyon pa ako natirikan. Sa dami naman ng lugar na matitirikan, dito pa sa hindi ko alam kung saang lupalop nasaan. Sa dami ba naman ng pwestong matitirikan, dito pa sa gitna ng daan. Buwakangina! Wala talagang pag-asa. Ayaw mag-start ng kotse ko. Battery empty ang cellular ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Lakas ng ulan. Shet. Iiyak na lang ako.
Pumikit ako. Tumulo ang luha ko. Luha dulot ng inis at ng kawalang-pag-asa. Luha dulot ng takot at pag-aalala. Luha dulot ng pagtatanong: bakit ngayon pa!
Pumikit ako. Muling dumilat. Natuon ang paningin sa bakanteng upuan sa tabi ko. At tila sa pag-uulayaw ng iba't-ibang ilaw mula sa mga kotse sa labas, nabuo ang isang imaheng nagpaalala sa akin ng nakaraan.
Ganito ring oras noong gabing iyon ng itigil ko ang kotseng ito sa harap ng College of Law. Pinatay ko ang radyo. Hininaan ang air-con. Tinanggal ang seatbelt. Sabay buntong-hininga.
"Bakit ba?"
"Wala. Iuwi mo na ako. Ayaw ko nang mag-practice."
"Ano ka ba? 'Di ba eto nga yung pinunta mo dito?"
"E sa ayaw ko na eh?"
"Sige."
"Sige? Sige, lang? 'Di mo man lang ako sesermunan dahil pinaghintay pa kita hanggang 8:30 para sa wala lang? Papalampasin mo nanaman ba ito?"
"Ano?!"
"Iyan ang hirap sa iyo e. Hindi kita maintindihan. Bakit sa iyo okay lahat? May kasalanan na, okay pa rin? Ano ba naman?"
"Ano!?"
"Leche. Ano ba talaga, Jerome? Bakit ba ganyan ka sa akin? Naiilang ako eh. Hindi kasi kami ganito ng mga kaibigan ko eh."
"Pwes, huwag mo kong ikumpara sa mga kaibigan mo. Dahil ayaw kong maging kaibigan mo. Ayaw kong maging kaibigan mo lang."
"Iyan na nga ba eh. Sinasabi ko na..."
"Bakit, masama ba? Mahal kita. Ewan ko kung paano nangyari, pero mahal kita. Kailangan mong maramdaman na mahalaga ka sa akin. Ikaw, ikaw ang sagot sa mga panalangin ko. Ikaw, ikaw lang pala ang hanap ng puso ko. Ikaw, ikaw ang katuparan ng mga pangarap ko."
Pumikit siya. Umiyak.
"Umandar ka na."
"Ayaw ko."
"Umandar ka sabi eh. Ibaba mo ko sa Educ."
"Ayaw ko. Iiwan ba kita dito?"
"Jerome, umandar ka."
Umandar ako.
"Ibaba mo ako. Huwag mo akong susundan."
"Ano ba, magsalita ka. Gusto kong marining ang mga sasabihin mo. Murahin mo ako. Sampalin mo ako. Lahat ng bumabagabag sa iyo, sabihin mo, itanong mo."
"Nalilito kasi ako. Parang tayo na hindi naman tayo. Parang hindi naman tayo pero parang tayo. Ano ba yun?"
"Bakit hindi natin pasimplehin ang problema? Maging tayo. Tapos ang kalituhan."
"Jerome, hindi ganoon kadali iyon. Hindi pa ako handa."
"Tutulungan kita. Maniwala ka. Hindi ki sasaktan."
"Hindi ko ipagkakait ang anuman sa iyo. Magkikita pa rin tayo. Mag-uusap pa rin tayo. Pero, ewan ko, di ako makapag-isip."
"Hindi kita pinipilit."
"Tabi nga diyan, mag-dadrive ako."
Nagising ako sa katotohanan na may ngiti sa labi ko. Halos tatlong buwan na pala ang nakalipas mula noong gabing iyon ano. Halos tatlong oras na pala mula nang umalis ako sa UP. Wala pa rin ako sa bahay. Wala pa rin akong nararating.
Lumakas nanaman ang ulan. Lalong lumalim ang tubig. Lalong wala na akong mararating.
Lumakas nanaman ang luha. Lalong lumalim ang sugat. Lalong wala na akong mararating.